Sa panahon ngayon madami nang nag lalabasan na mga online business opportunities na makakapag pabago ng buhay mo ngunit hindi lahat ng masasalihan mo ay legal at most sa mga opportunidad na lumalabas ngayon mapa online man o offline eh nagiging SCAM so ngayon i share ko sa inyo kung ano yung ginawa ko para maiwasan ko maka sali sa isang scam na online program at para hindi masayang yung oras na iginugugol ko dito.
1. Siguradohin mong may permit ang business nasasalihan mo at make sure din naka registered ba ito sa BIR,SEC o kahit ano pang mga permit na kelangan para malaman mo na naka rehistro talaga yung companya at nag babayad sila ng tamang buwis.
2. Kung sasali ka dapat may makukuha ka benefits sa time na sumali ka agad tulag ng products na inoofer like mga pagkain ba o pampataba o pampapayat o nakaka busog ba or mga libro ba yan o e-books as long as may products ok yun dapat makuha mo o magagamit mo talaga o maibenta para sure na may makukuha ka talaga sa kompanya na gusto mong salihan.
3. Mag research! Bago ka sasali dapat i research mo din kung ano yung background ng companya ng business na iyong sasalihan para maka sigurado ka na kung alin ang tama at mali. Pero sometimes may ibang legal talaga na companya na sinisiraan ng ibang tao tulad ng sasabihan nila na scam ito o pyramiding kahit nag babayad naman yung companya at legal naman ito so dapat mo din tignan sa sarili mo kung alin talaga sa dalawa ang totoo. Pero mas maganda eh subukan mo para malaman mo kung alin talaga ang totoo kesa naman maniniwala ka sa taong hindi naman myembro at naninira lang ng ibang companya para dun ka sasali sa kanila. Madami pong ganun yung mga EPAL na tao na gagawin nila ang lahat kahit maka sakit man sila ng ibang tao para sa kanila ka mag join hindi doon sa business na gusto mo sana.
4. Tignan mo ang mga Testimonials ng mga members at kung ilan na ang mga kumita sa negosyong to at tignan mo din kung tunay talaga at hindi fake yung pinapakita nila sayo. Kasi noon natoice ko may ibang members na nangunguha lang ng ibang payment proofs sa ibang companya at i edit nila yun para mag mukhang yung proof (picture) na ninakaw nila eh mag mukhang galing doon sa companyang kanilang sinasalihan para lang may mapasali silang iba kahit sa iba naman talaga yung payment proof na yun.
5. Trust your instincts kung ano talaga yung nararamdaman mo kung para ba sayo yung business na gusto mo then go edi subukan mo kasi kung susubukan mo dun mo lang malalaman kung totoo ba yun o hindi o isang malaking SCAM lang kasi kung ang mindset mo parati ka lang napapaniwala sa ibang tao unless if proven talaga an scam ito then dun ka lang dapat maniwala pero if may mga ka debate sila na hindi mo na alam kung alin talaga yung tama then suggest ko lang subokan mo nalang if may guts ka para ikaw na mismo tumuklas.
Ingat-ingat po tayo at research po tayo ha pag may time bago sumali sa isang business. Dapat nyo muna alamin kung ano yung sinasalihan nyo para hindi kayo ma SCAM :)