Nung ako nag sisimula pa lang sa Networking ay sa simula medyo mahirap sya gawin specially if first time mo pa talaga sumubok o pumasok sa isang kompanya. Lalo na kung wala ka pa talagang experience sa business na ito. So yung ginawa ko lang is nakinig lang ako sa sinasabi ng aking upline at sinunod ko lang ang mga payo nya sakin at talagang effective naman talaga kasi para sakin hindi naman talaga sya mahirap kung hindi mo lang din iisipin na mahirap ito gawin. So yun if ikaw sasali ka dapat makinig ka sa sasabihin ng iyong upline. Huwag ka maging High Pride kasi kung ma Pride ka na tawo o ikaw yung tipong AKNY "Alam Ko Na Yan" ay wala talagang mangyayari sayo at hindi ka aasenso pag parati ka na ganyan kasi akala mo na alam mo na talaga lahat pero sa totoo marami ka pa din dapat malaman tungol sa Business.
At kung kakausap ka ng prospect para sa akin dapat straight to the point ka kung ano yung tinatanong nya hindi yung daldal ka ng daldal na hindi naman kasama sa mga katanungan nya, kaya tuloy minsan pag may kakausapin ka na prospect ay lumalayo na lang sila sayo kasi ang daldal mo at hindi naman yun ang hinahanap na sagot nila. Madali lang talaga gawin ang business nato kung willing ka lang din ma tuto at i apply yung mga na experience mo at kung hindi ka din susuko at ipag patuloy mo talaga ito.