Sa panahon ngayon madami nang nag lalabasan na mga online business opportunities na makakapag pabago ng buhay mo ngunit hindi lahat ng masasalihan mo ay legal at most sa mga opportunidad na lumalabas ngayon mapa online man o offline eh nagiging SCAM so ngayon i share ko sa inyo kung ano yung ginawa ko para maiwasan ko maka sali sa isang scam na online program at para hindi masayang yung oras na iginugugol ko dito.
1. Siguradohin mong may permit ang business nasasalihan mo at make sure din naka registered ba ito sa BIR,SEC o kahit ano pang mga permit na kelangan para malaman mo na naka rehistro talaga yung companya at nag babayad sila ng tamang buwis.
2. Kung sasali ka dapat may makukuha ka benefits sa time na sumali ka agad tulag ng products na inoofer like mga pagkain ba o pampataba o pampapayat o nakaka busog ba or mga libro ba yan o e-books as long as may products ok yun dapat makuha mo o magagamit mo talaga o maibenta para sure na may makukuha ka talaga sa kompanya na gusto mong salihan.
3. Mag research! Bago ka sasali dapat i research mo din kung ano yung background ng companya ng business na iyong sasalihan para maka sigurado ka na kung alin ang tama at mali. Pero sometimes may ibang legal talaga na companya na sinisiraan ng ibang tao tulad ng sasabihan nila na scam ito o pyramiding kahit nag babayad naman yung companya at legal naman ito so dapat mo din tignan sa sarili mo kung alin talaga sa dalawa ang totoo. Pero mas maganda eh subukan mo para malaman mo kung alin talaga ang totoo kesa naman maniniwala ka sa taong hindi naman myembro at naninira lang ng ibang companya para dun ka sasali sa kanila. Madami pong ganun yung mga EPAL na tao na gagawin nila ang lahat kahit maka sakit man sila ng ibang tao para sa kanila ka mag join hindi doon sa business na gusto mo sana.
4. Tignan mo ang mga Testimonials ng mga members at kung ilan na ang mga kumita sa negosyong to at tignan mo din kung tunay talaga at hindi fake yung pinapakita nila sayo. Kasi noon natoice ko may ibang members na nangunguha lang ng ibang payment proofs sa ibang companya at i edit nila yun para mag mukhang yung proof (picture) na ninakaw nila eh mag mukhang galing doon sa companyang kanilang sinasalihan para lang may mapasali silang iba kahit sa iba naman talaga yung payment proof na yun.
5. Trust your instincts kung ano talaga yung nararamdaman mo kung para ba sayo yung business na gusto mo then go edi subukan mo kasi kung susubukan mo dun mo lang malalaman kung totoo ba yun o hindi o isang malaking SCAM lang kasi kung ang mindset mo parati ka lang napapaniwala sa ibang tao unless if proven talaga an scam ito then dun ka lang dapat maniwala pero if may mga ka debate sila na hindi mo na alam kung alin talaga yung tama then suggest ko lang subokan mo nalang if may guts ka para ikaw na mismo tumuklas.
Ingat-ingat po tayo at research po tayo ha pag may time bago sumali sa isang business. Dapat nyo muna alamin kung ano yung sinasalihan nyo para hindi kayo ma SCAM :)
Tuesday, June 24, 2014
Saturday, June 21, 2014
Paano nga ba kumita sa Network Marketing?
Sa own experience ko nung nag sisimula pa lang ako sa network marketing industry ay medyo hindi naman sya mahirap as long as pinag-aralan mo lang muna bago ka sumalisa isang kompanya. Nung nag try ako at nag share ako sa mga friends ko well may sumali din naman pero 1 lang hindi madami kasi depende kasi yan sa paniniwala ng tao eh kung pagkakatiwalaan ka ba nya kung sasali sya sa business mo. So unang una mo talaga gagawin is dapat pagkakatiwalaan ka muna ng tawo kasi if ganun ang magyayari then mas easy nalang para sayo na ma invite mo sila sa business na iyong inoofer.
Madaming paraan para ma promote mo ang iyong business tulad ng:
Madaming paraan para ma promote mo ang iyong business tulad ng:
- Pwd kang mamigay ng fliers o mga business cards sa mga strangers o taong kakilala mo.
- Pwd mong bisitahin ang mga friends mo at i introduce mo yung business mo sa kanila or if may office kayo ipa attend mo sya sa isang orientation para malaman nya yung klase na business na gusto mo i share sa kanya.
Pero itong mga nabanggit ko na mga halimbawa as itaas ay isa lamang ito sa mga techniques na ginagawa ng mga old school marketing o mga ginagamit nila noon para mapa join nila ang kanilang prospects o i share nila ang kanilang business.
Dito naman sa ibang example na ipapakita ko ito yung New School o bagong paraan para mas mapabilis at mapa easy ang iyong pag promote sa business at para mas madali kang kumita.
- If may video presentation kayo pwd mo itong i share online sa mga forums sa website sa social networking like facebook,google, twitter at marami pang iba.
- No need mo na lumabas ng bahay as long as may presentation na kayo online kasi dun mo na i tuturo o ipapakita mo nalang yung video presentation sa mga ka kilala mo online at dun na din nila malalaman ang business na sinasalihan mo.
- If ang business na sinasalihan mo ay ginawa mismo online then mas maganda yun kasi mas madali sya i promote kasi online activities lang talaga ang gagawin mo at lalo na kung hindi mo gusto lumabas ng bahay o makikipag meet up sa personal.
- Mas madali mo na makaka usap nag prospect mo online kasi may mga video presentation at tools na pwd mo magamit para mas madali nila ma iintindihan
If gusto mo mag learn more then abangan mo lang itong blog ko kasi next time gagawa ako ng another blog tungkol sa mga karaniwang tinatanong ng mga prospects at kung pano mo ito masasagot sa own experience ko na maaaring ma apply mo din sa business mo! :)
Salamat sa pag basa!
Your Friend of Success,
Paul John Sumaya
Thursday, June 19, 2014
Advice and Experience ko sa Networking
Kung gusto mo sumali sa mga Network Marketing business ay dapat mo muna malaman kung ano yung pinapasukan mong negosyo. Wag ka mag join agad specially if wala ka pa talaga experience sa mga ganito klaseng negosyo. Ang una mo talagang gawin at ilagay sa isip mo na ano yung pinapasukan mo at kung gusto mo ba talaga yung negosyo at kung sure ka na doon ka talaga kikita sa compensation plan nila.
Nung ako nag sisimula pa lang sa Networking ay sa simula medyo mahirap sya gawin specially if first time mo pa talaga sumubok o pumasok sa isang kompanya. Lalo na kung wala ka pa talagang experience sa business na ito. So yung ginawa ko lang is nakinig lang ako sa sinasabi ng aking upline at sinunod ko lang ang mga payo nya sakin at talagang effective naman talaga kasi para sakin hindi naman talaga sya mahirap kung hindi mo lang din iisipin na mahirap ito gawin. So yun if ikaw sasali ka dapat makinig ka sa sasabihin ng iyong upline. Huwag ka maging High Pride kasi kung ma Pride ka na tawo o ikaw yung tipong AKNY "Alam Ko Na Yan" ay wala talagang mangyayari sayo at hindi ka aasenso pag parati ka na ganyan kasi akala mo na alam mo na talaga lahat pero sa totoo marami ka pa din dapat malaman tungol sa Business.
At kung kakausap ka ng prospect para sa akin dapat straight to the point ka kung ano yung tinatanong nya hindi yung daldal ka ng daldal na hindi naman kasama sa mga katanungan nya, kaya tuloy minsan pag may kakausapin ka na prospect ay lumalayo na lang sila sayo kasi ang daldal mo at hindi naman yun ang hinahanap na sagot nila. Madali lang talaga gawin ang business nato kung willing ka lang din ma tuto at i apply yung mga na experience mo at kung hindi ka din susuko at ipag patuloy mo talaga ito.
Subscribe to:
Comments (Atom)